ano kaya ang gagawin ng isang guro kung sakaling lapitan siya ng isang mag-aaral gamit ang ganitong banat:
kiko: magandang araw po mam! napakaganda nyo po ngayon. pwede po ba kayong makausap?
mam: estudyante ba kita?
kiko: opo mam! pang 7:30-8:30 po mam!
mam: o ano ang kailangan mo?
kiko: tungkol po sa grades ko mam. medyo alanganin po yata.
mam: sandali lang titignan ko ang records mo.
kiko: ano po kaya ang maari kong gawin mam?
mam: naku halos walang laman ang records mo. napakarami mong kulang, pasulpot-sulpot ka pa. walang kang mid-term. wala ka ring final exam. bagsak ka! wala na tong pag-asa.
kiko: ah mam may dala po akong jollibee! mainit-init pa.
mam: hoy! anong akala mo sa akin, mukang jollibee? sira ulong to! araw-araw ako sa jollibee noh! at isa pa hindi ako cheap!
kiko: ganun po ba mam? ah sige po mam, alis na po ako mam. tanggapin nyo po itong dala ko.
mam: hindi ako nadadaan sa ganyan. lokong bata to!
kiko: nagbabakasakali lang po ako mam, kasi gusto ko pong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. naisip ko po na baka maari niyo po akong bigyan ng pagkakataon. sige po. salamat nalang po mam! hihinto nalang po ako sa pag-aaral. susubukang makapaghanap ng mapapasukan. thank you po sa oras nyo mam!
mam: teka, patingin nga!
kiko: heto po mam. sa inyo po talaga yan mam!
mam: aba! medyo mainit-init pa nga! oh bakit walang ketsup? incomplete ka!
kiko: sory po mam! nakalimutan ko pong humingi. ano pong pwede kong gawin mam? pwede po bang mag project nalang?
mam: ano? anong project project sinasabi mo! mcdo naman bukas, kala mo ha!
kiko: ah, hehe. sige po mam!
eh ikaw ano ang iyo? chowking ba o pizza hut?”
marami tlagang ganyan..unfair
ReplyDeleteKung ako ang teacher kahit kadalasan bagsak ang estudyante sa mga exams, ipapasa ko siya basta't araw araw siyang pumapasok, hindi nale-late, hindi nagtetext at hindi natutulog sa klase. Dun mo makikita kung gusto talagang magaral.
ReplyDelete