Tuesday, December 20, 2011

God's coffee

A group of alumni, highly established in their careers, got together to visit their old university professor. Conversation soon turned into complaints about stress in work and life.
 
Offering his guests coffee, the professor went to the kitchen and returned with a large pot of coffee and an assortment of cups - porcelain, plastic, glass, crystal, some plain looking, some
expensive, some exquisite - telling them to help themselves to the coffee.
 
When all the students had a cup of coffee in hand, the professor said:
 
"If you noticed, all the nice looking expensive cups were taken up, leaving behind the plain and cheap ones. While it is normal for you to want only the best for yourselves, that is the source of your problems and stress.
 
Be assured that the cup itself adds no quality to the coffee. In most cases it is just more expensive and in some cases even hides what we drink.
 
What all of you really wanted was coffee, not the cup, but you consciously went for the best cups... And then you began eyeing each other's cups.
 
Now consider this: Life is the coffee; the jobs, money and position in society are the cups. They are just tools to hold and contain Life, and the type of cup we have does not define, nor change the quality of Life we live.
 
Sometimes, by concentrating only on the cup, we fail to enjoy the coffee God has provided us."
 
God brews the coffee, not the cups.......... Enjoy your coffee! 
 
"The happiest people don't have the best of everything. They just make the best of everything."
 
 
Live simply. Love generously. Care deeply. Speak kindly. Leave the rest to God.
Author unknown

Monday, December 19, 2011

paid for in full for a glass of milk


One day a poor boy went begging from door to door to feed his hungry stomach. He knocked on a door & a lovely lady opened, instead of asking for food he asked for a glass of water. The woman thought he looked hungry so she brought him a glass of milk, after drinking he said “thank you, I owe you” She replied “you owe nothing, no payment needed for act of kindness” he said “then i thank you from my heart”.

Years later that woman became critically ill that the doctors baffled as they couldn’t cure her, so specialists were called to study the rare illness. Dr Haward Kelly who was called for consultation immediately recognized the woman. He went back to the consultation room determined to do his best to save her life & after a long struggle, the battle was won. Dr Kelly requested the bill be passed to him for approval, he looked at the huge bill & wrote something on it, and then the bill was sent to the lady’s room. 

The lady feared opening it as she knew the bill could take a life time to pay off. When she eventually opened it, she noticed something written on the edge of the note “PAID FOR IN FULL FOR A GLASS OF MILK”. Tears filled her as she immediately remembered the rugged dirty skinny boy who knocked on her door. My dear friends, family &my loved ones always remember that every act of kindness you sow doesn’t bounce back, it reproduces itself, not necessarily before your eyes but it always does even to your next generation. “THE HEART YOU SAVE TODAY CAN BE YOURS TOMORROW THROUGH KINDNESS.

by: anonymous

Thursday, November 03, 2011

silent killing

every person considers life as a gift to human. a gift that can only be offered by his creator. thus, he does not posses the power and right to control it, to manage it, and to end it.

Source: Interesting facts. (2011). 10 interesting facts about abortion. Retrieved November 02, 2011 from http://interesting-facts.net/wp-content/uploads/2011/02/abortion_facts-3.jpg

making the world conducive for living is a man's responsibility. man needs to preserve the world he enjoyed when he was a child. to let children enjoy the things he considered as blessings during his lifetime.

Source: Consequence of Abortion. (n.d.). Abortion kills. Retrieved November 02, 2011 from http://consequencesofabortion.com/abortion_kills.htm

Source: In the shade of islam. (2011). The world's largest holocaust. Retrieved November 02, 2011 from http://3.bp.blogspot.com/_Cx2NKzGmHPQ/SV1wJdA6JQI/AAAAAAAAAM8/LX57JALHsw0/s1600-h/abort.jpg
Source: In the shade of islam. (2011). The world's largest holocaust. Retrieved November 02, 2011 from http://theidealmuslimah.blogspot.com/2009/01/worlds-largest-holocaust.html 

ten things to know about torture

Until the English Bill of Rights in 1689, cruel and unusual punishment was a staple of most countries’ system of criminal justice. In fact, torturous interrogation and execution often resembled an industry, with inventors vying for their new and disturbing method of torture to rise above the rest. Luckily, torture methods such as death by boiling and flaying are largely a thing of the past throughout most of the world, and medical billers and coders can feel fortunate that there are no codes for brazen bull and breaking wheel victims. However, torture still exists in a large portion of the world, even where you least expect it…

Source: Medical Billing and Coding. (2010). 10 things to know about torture. Retrieved November 02, 2011 from http://www.medicalbillingandcoding.org/10-things-to-know-about-torture/

Wednesday, November 02, 2011

ang mabuhay ay kamatayan


batid kong ang buhay ko ay matatapos. malapit na malapit na at ito’y lubos. ngunit bakit ako’y hindi natatakot? marahil kaya’y ito talaga ay angkop?

batid kong ang buhay ko ay matatapos. sino kaya ang luluha at ang buhay ay mapupuno ng lungkot? sino ang magsasabing sila’y mapalad at ako’y kanilang nakatagpo? may aasahan bang sa aki’y magbibigay galang sa kakaunting panahon? marahil kaya’y ako’y hindi na dapat pang umaasa pagka’t ang buhay ko’y totoong bigo?

ang buhay ko’y pagdurasa at pighati sa iba. sa simula palang ng pintig nitong puso ay nais na akong mawala. bunga ng kasalanan at makasariling kapusukan. ang ina ko’y nagbuntis at ang kanyang mga pangarap ay bilang nangawala.

ako’y sinubukang kitilin upang ang buhay niya’y hanguin. pagka’t ako’y hindi niya hinangad at sa buhay niya’y magiging pasanin. ako'y sinubukang lasunin ng mga gamot at di kanaisnais na inumin. pilit na iniipit upang ang hininga ko’y kanyang higutin. pagkat ako’y walang pakinabang sa buhay niya at mga balakin.

habang ako’y nasa sinapupuna’y kahirapan ang hinarap.  karamay ko ang kanyang galit, pighati, yamot, at pagdaramdam. hindi pa man iniluluwal batid ko ang landas na kaharap. ang mabuhay sa inis at galit ng ina pagkat ako’y hindi nya maharap. kung ganito ang kahihinatnan ako pa ba’y dapat na magluwat?

isinilang ako ng kulang sa araw at buwan. kaya't pag-iisip ko’t katawan alam kong hindi na magiging normal. di man abot ng isipan batid kong ako’y walang pakinabang. ako’y naging palamunin at minsay libangan pa ng karamihan.

ang makita sa daan ay aking iniiwasan. sa mga panauhin ng pamilya’y pilit akong kinukublihan. para bagang ang tulad ko’y di na dapat pang ipaalam. siguro nga sila ay tama at huwag ng  magdamdam. pagkat alam kong ako’y pagkakaguluhan o di kaya’y pandidirihan lamang. nitong mga taong walang alam kundi ang manira at mang-uyam.

ang nais ko lang naman ay ang mabuhay na masaya. kapiling ang aking ina na handa akong kalingain at pakaingatan tuwina. ngunit alam kong ito’y pawang mga pangarap lamang. dahil ako’y laging kinaiinisan at laging napapahiya. hindi ko man masambit salitang “mahal kita” sa aking ina. dala nitong aking kapansanan at utal-utal na pagsasalita. aking pinapangarap o hinahangad tuwina, ito’y aking masambit maipahayag lang na siya ay hindi nag-iisa.

kung ang mabuhay sa mundo ko’y tila baga’y kamatayan. masisisi ba ako kung ako’y pilit na magpatiwakal? dahil sa hirap kong kaakbay at mga tiising aking pinapasan, kahulugan ng aking buhay hindi ko na maramdaman. maging ang aking ina na siyang inaasaha’y hindi ako magawang kausapin at patuloy na di pinakikialaman. sino pa ang makapagtitiyaga sa ganito kong kalagayan? kung ang sarili kong pamilya’y hindi ako kayang pahalagahan? ngayon ang buhay ko’y tunay na ngang walang kabuluhan. ang maghanap ng kamatayan ngayon ay aking naging libangan at laruan.

wala akong sinisisi sa ganito kong kalagayan. hindi ko ninais na ako’y maging normal at ituring pang espesyal. ang mabuhay na masaya at iginagalang ang siyang tanging kong inaasam. ito pa ba’y ipagkakait at ako’y hindi titirhan?

ngayon ako’y dumaraing at lubos na nakikiusap. ako nama’y pansinin, pagbigyan, at hatdan. nitong kaunting pangarap na matagal ko ng inaasam. sana naman ako’y huwag ng talikuran. gayong ang mabuhay sa buhay ko’y tila isang kamatayan.

Tuesday, October 25, 2011

ang matanda at ang bata


sa isang parke, tahimik na nakaupo ang isang matanda sa bangkong ipinasadya upang gamitin ng mga taong bumibisita. paborito niya ang lugar sa lilim ng malalaking puno ng akasya.  ang lugar na iyon ay mainam na pahingahan para sa matanda hindi lamang sa malamig nitong kondisyon kundi pati na rin sa posisyon nito malapit sa lugar na paborito ng mga bata. ang suot na damit na tila minana pa niya sa kanyang ama, at ang buhok na wala na sa ayos at moda, ay nagpapahiwatig na siya ay isang anyo ng taong salat sa yaman at karunungan.

kapansin pansin na ang matanda’y iniiwasan ng mga taong dooy nagdaraan. kung minsan, may mga iilan na humihinto ng panandalian. tumitingin at napapaisip kung siya pa ba’y humihinga at pinagmamasdan ang pobre niyang kaanyuan. kung mamalasin, siya ay napaglalaruan ng mga kabataan na tila aliw na aliw sa kanyang kalagayan. hindi nila alintana na siya’y nagpapahinga, humuhugot ng lakas at inspirasyon sa iilang pamilya na dooy buo at magkakasamang nagsasaya.

sa isa pang bangko malapit sa kanyang kinauupuan, hindi niya pansin ang isang bata na rooy nag-aabang. hindi niya pansin ngunit kanya itong pinakikiramdaman. sa kanyang gunita, ilang araw na niyang nakikita ang bata sa gawing iyon ng pasyalan. ngunit siya ay naguguluhan. ano ang ginagawa o inaabangan ng isang bata na ang gulang ay hindi hihigit sa sampu sa gayong parte ng pasyalan? wika niya sa kanyang sarili. panandalian niyang ipinikit ang kanyang mga mata at pagdaka’y inilabas ang maliit na libro mula sa supot na lagi niyang dala-dala.

gaya ng kanyang inaasahan, ang bata ay naiiba. siya ay tumayo, lumapit, at siya’y tinabihan. muling nakaramdam ng lungkot at pait sa kanyang puso ang matanda. muli siyang nakatagpo ng musmos na isipan, puso, at kaluluwa. isang bata na pinagkaitan marahil ng karunungan o ang tanging hiling ay kaunting laman ng kumakalam na tiyan. ngunit bakit siya ang nilapitan? siyang mukang gutom at tinakasan na ng maraming kaarawan. di kaya’y ang bata ay uhaw lang ng kaalaman? ngunit bakit siya ang nilapitan? siyang mukang walang alam at busabos ang kalagayan. marahil ito ay naakit ng librong kanyang tangan. hindi mapalagay ang matanda kaya’t ang bata ay sinubukan.

ibinigay ng matanda ang hawak nitong libro at kanya itong pinagmasdan. binasa na bata ang nakasulat sa pabalat. “ang buhay ni don felipe q. norvales”. ang basa ng bata. siya pala ay marunong bumasa.  laking gulat ng matanda nang ibalik kaagad ang libro na kanina’y kanyang tangan.

“marunong kang bumasa, ayaw mo ba?” ang tanong ng matanda.

“nabasa ko na po ang librong yan at kabisado ko na po ang ilang detalye sa loob niyan” sagot ng bata.

muling napaisip ang matanda at pinagmasdan ang bata. “kung gayo’y bakit mo ako nilapitan?” kadalasa’y ang mga batang may lakas loob na ako’y lapitan sa sandaling ilabas ko ang hawak na libro ay ang pawang hangari’y sila’y aking kwentuhan.”  pahayag ng matanda.

“kilala ko po kayo” wika ng bata. “madalas ko pong basahin ang inyong talambuhay sa gawing harapan ng parkeng ito.” dagdag pa niya.

kinilabutan ang matanda sa kanyang narinig. alam ng bata ang kanyang buhay. batid nito ang kanyang tunay na kaanyuan.

“paano mo ako nakilala? paano mo nalaman na ako, ang istrukturang nakatindig sa harapan ng parkeng ito, at si don felipe ay iisa? tanong ng matanda.

“nasa inyo pong mga mata ang kasagutan. magbihis po kayo at magpagupit at kayo’y dagling matatandaan.” wika ng bata.

“totoong napakahusay mo at totoong kakaiba.” sambit ng matanda.

“lagi ko po kayong inaabangan at ako po ay naghihintay ng tamang pagkakataon na kayo’y aking pasalamatan. dahil po sa parke na inyong ipinagawa, napakarami pong batang tulad ko ang laging napapasaya. dito po namin nahahanap ang kaligayahan na pilit tumatakas sa aming tahanan. kahit sa ganitong lugar lamang, may mga pamilyang nabubuo at magkakasamang nalilibang.” pahayag ng bata.

“ngunit bakit po ninyo inililihim ang inyong katauhan? ayaw po ba ninyo na kayo’y pasalamatan? hindi po ba ninyo hinahangad na kayo’y hangaan at kagiliwan? na kayo’y ituring na mahalaga at gawing ama ng bayan?” tanong ng bata sa matanda.

“balang araw maintindihan mo rin. kung nais mong tumulong at iabot ang iyong lingap, higit na madali mo itong magagawa sa palihim na kilos at kawang gawa. ang pagiging totoong ama ng bayan ay magagawa ninuman, basta ang hangarin ay wagas at walang nakatagong kapalaluan. ang pagiging masaya, mapayapa, at pagkakaroon ng makabuluhang buhay ay hindi lamang nakukuha o natatamo sa pamamagitan ng kasikatan at karangyaan. nakikita rin ito sa kalayaan na magawa ang mga bagay na sa iyo’y tunay na mahalaga at pinahahalagahan din na iba.” paliwanag ng matanda.

tumayo ang matanda at nagsimulang naglakad palayo sa bata. may ngiti sa labi at dala ang kaligayahang wagas at tunay na kakaiba.

Monday, October 24, 2011

si teacher paplesing


ano ang ginagawa ng mga guro kung ang principal o dean ay wala?

challimar  : si teacher ay puro sakripisyo, oic na’t nagtuturo pa.
helena  : ang guro ko ay matiyagang nagtuturo, ang mga bata ay talagang natututo.
byan arvie  : si prof ay seryoso, sa buladasan dumideretso.
haliven : si teacher ay palakwento, sa buhay niya’y nakasentro.
jan ray : si mam ay second parent, walang inatupag kundi ang sermon.
abmer : ang mga guro ay abala, bising-bisi sa pakikipagdada.
marc glen : ang teacher namin ay nasa canteen, puto’t kutsinta ay nakahain.
camon : si mam ay laging naka-smile, panay forward ng quotes sa kabarkada.
cristine : si teacher ay napakasipag, panay boardwork ang inaatupag.
redward : si mam ay parang prinsesa, laging nakaupo sa tasa.
joey dee : si prof ay energetic, biglang tayo kung may daraan sa pinto.
nichelle : si sir ay napaka-friendly, laging kausap ay mga beki.
regan : si teacher ay laging busy, nagbibilang ng piso-piso.
argay : si sir ay parang parak, tinatanggap kahit patak-patak.
venson : ang aming guro ay resourceful, ang topic ay puro avon.
jayner: si sir ay napakabait, mahimbing sa pagkakaiglip.
eberlyn : si prof ay parang doc, panay pisil at panay haplos.

ang mga nabanggit ay ilan lang sa napakaraming hinaing ng mga mag-aaral sa pribado man o pampublikong paaralan. ganito na nga ba talaga ang karamihan? ano ang kahihinatnan ng edukasyon kung ang itinuturing na pinakamahalaga at dinadakilang  propesyon ay nahaluan na ng mga taong bulok at patapon? may pag-asa pa ba tayo ngayon? ano pa nga ba ang natitirang solusyon?

balibalita


nakabibingi ang samu’t-saring balita. 

sa kalye--patay dito patay doon. 
sa kabayanan--nakawan dito, nakawan doon.  
sa eskenita--chismis dito chismis doon. 
sa opisina--tulog dito tulog doon. 
sa eskwelahan--singil dito singil doon. 
sa dep-ed--palakasan dito palakasan doon. 
sa hospital--turok dito turok doon. 
sa palengke--dayaan dito dayaan doon. 
sa huwes--palusot dito palusot doon. 
sa munisipyo--suhol dito suhol doon. 
sa pulisya--torture dito torture doon. 
sa internet--scandal dito scandal doon. 

hay naku po juan! 
wala ka ng mapupuntahan. lahat ng sulok pandidirihan.

Sunday, October 23, 2011

palimos mam!


ano kaya ang gagawin ng isang guro kung sakaling lapitan siya ng isang mag-aaral gamit ang ganitong banat:

kiko: magandang araw po mam! napakaganda nyo po ngayon. pwede po ba kayong makausap?
mam: estudyante ba kita?
kiko: opo mam! pang 7:30-8:30 po mam!
mam: o ano ang kailangan mo?
kiko: tungkol po sa grades ko mam. medyo alanganin po yata.
mam: sandali lang titignan ko ang records mo.
kiko: ano po kaya ang maari kong gawin mam?
mam: naku halos walang laman ang records mo. napakarami mong kulang, pasulpot-sulpot ka pa. walang kang mid-term. wala ka ring final exam. bagsak ka! wala na tong pag-asa.
kiko: ah mam may dala po akong jollibee! mainit-init pa.
mam: hoy! anong akala mo sa akin, mukang jollibee? sira ulong to! araw-araw ako sa jollibee noh! at isa pa hindi ako cheap!
kiko: ganun po ba mam? ah sige po mam, alis na po ako mam. tanggapin nyo po itong dala ko.
mam: hindi ako nadadaan sa ganyan. lokong bata to!
kiko: nagbabakasakali lang po ako mam, kasi gusto ko pong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. naisip ko po na baka maari niyo po akong bigyan ng pagkakataon. sige po. salamat nalang po mam! hihinto nalang po ako sa pag-aaral. susubukang makapaghanap ng mapapasukan. thank you po sa oras nyo mam!
mam: teka, patingin nga!
kiko: heto po mam. sa inyo po talaga yan mam!
mam: aba! medyo mainit-init  pa nga! oh bakit walang ketsup? incomplete ka!
kiko: sory po mam! nakalimutan ko pong humingi. ano pong pwede kong gawin mam? pwede po bang mag project nalang?
mam: ano? anong project project sinasabi mo! mcdo naman bukas, kala mo ha!
kiko: ah, hehe. sige po mam!


eh ikaw ano ang iyo? chowking ba o pizza hut?”

after the darkest hour

"thanks a lot to damaged-4-lyf"

kilos at batas


“ano ang mangyayari sa mundo kung ang mga mamamayan ay tulad ng mga anghel sa langit? kakailanganin pa ba ang mga mumunting batas na magbibigay gabay sa bawat kilos ng tao? o sapat na ang disiplina sa sarili upang ang mga bagay na pangkaraniwan nang ginagawa ay hindi na kinakailangan pang likhaan ng panibagong mga batas?

Saturday, October 22, 2011

republikang basura

Saang dako nga dapat pumaroon ang tao? Saang lugar maaaring ipahinga ang pagod na isipan at puso? May lugar pa bagang ang mga pangarap at prinsipyo ay mabibigyang halaga? Hustisya at pagkakapantaypantay ay nararanasan tuwina? Sa anong republika nga ba ito makikita?

Ang mundo ay totoong nalalapit na sa tuluyang pagkabulok. Darating ang panahon na ang dunong ng tao, ang mga bagay na nilikha nito at ang mga bagay na pinahahalagahan ay matatapos. Maraming tao ang naghahangad ng katahimikan. Marami ang nagpupumilit na makaalpas sa bigat ng buhay at ibat-ibang pasanin na tila kakambal na ng kanilang kapalaran. Ang iba’y ginugugol ang buhay sa paggawa ng mga bagay na sa tingin nila’y magbibigay ng labis na kagalakan at kapanatagan ng kanilang puso at isipan. Ni hindi nila namamalayan na sa bawat oras na kanilang ginugugol para sa sariling kapakanan ay naghahatid ng pagkalito at pagkabulag sa kung ano ang dapat na unahin at dapat na pahalagahan

Sa paglipas ng panahon, ang dating payak na pamumuhay ng tao ay napalitan na ng makamundong gawi at kalayawan. Ang dating negatibong impresyon sa mga bagay-bagay ay nagiging positibo. At ang mga bagay na dati’y positibo ay tila baga nakapupuwing na ng panangin at nakabibingi ng pakinggan. Nagbago na nga ang tao at nabago na nga niya ang mundo.

Ang tao ay naghahangad ng maayos na pamumuhay. Maging masaya sa bawat araw, makabuo ng matatag na pamilya, at malayang makagalaw ng walang inaalalang kapahamakan. Gagawin ng tao ang lahat mapunan lamang ang mga pangangailangan. Maging ang pagkapit sa patalim at ang paglimot sa kaalaman ay handa na ring paka-ibigan. Naaatim na mabuhay sa pandaraya ng kapwa, paglimot sa kinagisnang asal, at pagkamkam sa bunga ng pawis ng iba. 

Hindi ba’t ganito ang nangyayari sa lahat ng mga bansa? Mayaman man o mahirap nabubuhay sa pandaraya. Pinuno man o alipin likung-liko ang pamumuhay. Ganito nga ba talaga ang buhay na inihahanda? Ang mamuhay na gaya ng mga ganid na lobo at handang manila anumang oras maibigan. Handang tapakan ang sinuman makuha lang ang buhay na marangya.
                 
Mayroon pa bang natitirang pag-asa at anyo ng kabutihan? May mga tao pa bang namumuhi sa kasinungalingan at nais alisin ang kasamaan? Sinong Pilipino ang hindi nahihirapan? Sino ang naghahangad ng pagbabago at handang manindigan? O sadya nga kayang naiibigan na rin REPUBLIKANG BASURA?